friends, family, music, academics, girls...:) hahaha!!!

Thursday, May 19, 2005

here i go again..:)

hehehe..:D please comment..:D hehehe..:) actually matagal ko na rin to sinulat, ngayon ko lang pinost..:D hehehe..:)

SA BAWAT ARAW NA GINAWA

Siguro di halata
Matagal na kitang minamasid
Padaan-daan lang ako
Upang hindi ako mahalata

Ewan ko ba kung bakit
Laging ikaw ang nasa isip ko
Ano bang meron sayo
At damdamin ko’y nabihag mo

Ano ba yan
Ito yata’y delekado na
Baka mamaya
Mahalata mo na talaga

Nagkakasakit sa kakaisip
Nahihilo sa kakatingin
Nababaliw sa kakatibok
Ng pusong ayaw magpapigil

Isang beses sa library
Nagbabasa kang mag-isa
Ako kaya’y magpakilala
Upang ito’y matapos na

Papunta na sa mesa
Ngunit ika’y tumingin sa akin
Naku, nanigas na ako
At napatitig na lang sa iyo

Ano ba yan
Ito yata’y delekado na
Baka mamaya
Mahalata mo na talaga

Nagkakasakit sa kakaisip
Nahihilo sa kakatingin
Nababaliw sa kakatibok
Ng pusong ayaw magpapigil

Alam kong walang pag-asa
Na maging tayo balang-araw
Sa nangyayari ngayon
Ha! hanggang tingin na lang ako

Pero ayos lang iyon sakin
Hindi na ako magrereklamo
Okay na ang makita ka
Sa bawat araw na ginawa…

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

oh yeah. :p

there you go again

mushy mushy mushy cheesy :p

nyahaha. :) it's a nice song... :) i don't know but this one kinda reminds me of sugarfree. :p (parang yung prom... hahaha i like that one. :p)

but for a beginner you're doing great! :)

10:10 AM

 

Post a Comment

<< Home