friends, family, music, academics, girls...:) hahaha!!!

Tuesday, May 17, 2005

another one...

oh well... here's another one..:D hehehe..:P

NAKARAAN

Lagi kong naririnig sa iba
Kalimutan na ang nakaraan
Wala kang mapapala diyan
Sabi sakin ng kapatid ko
Ano bang pinoproblema mo
Napakarami pang iba diyan

Siguro nga’y tama sila
Ngunit wala akong magawa
Kundi tanungin ang sarili’t sumigaw

Hindi ko maintindihan
Bakit pa kailangang matandaan
Ang mga pinagsamahan
Sa ating masayang nakaraan

Lagi ko pa ring naaalala
Sa kalye’y madalas magtawanan
Magkahawak ang mga kamay
Kitang-kita ko pa rin
Ang ngiti mong kay ganda
Sana ay hindi na nagkawalay

Ano nga bang gagawin
Gusto nang limutin ito
Nguni’t ang puso’y ayaw pa ring bumitaw

Hindi ko maintindihan
Bakit pa kailangang matandaan
Ang mga pinagsamahan
Sa ating masayang nakaraan

Siguro nga’y tama sila
Panahon lang ang kailangan
Balang-araw matatahimik
Ang pusong sawi sa pag-ibig
Pero sa ngayon ay…

Hindi ko maintindihan
Bakit pa kailangang matandaan
Ang mga pinagsamahan
Sa ating masayang nakaraan

Hindi ko talaga alam
Bakit pa kailangang balik-balikan
Ang mga pinagdaanan
Sa ating masayang nakaraan

Bakit ba…
Naaalala pa rin kita…


Please leave a comment again..:P kahit flame okay lang..:P alam ko namang newbie ako e..:D

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

is this one of the songs you said you wrote? :) ...it's nice. :) cheesy, mushy... but really nice. :p haha. :)

1:00 PM

 

Post a Comment

<< Home